Friday, December 23, 2011

Vangie: The Pinoy trusted Siri for iPhone 4S

Nang December 16, inilabas ang iPhone 4S dito sa Pilipinas kasama ang bagong Feature nitong si Siri. Kaya lang maraming mga pagkakataon na kailangan mong mag-English para maintindihan ka ni Siri, at kailangan mong ayusin ang slang na accent ng mga Pilipino at gawing American accent o British accent.

Previously, may lumabas na YouTube video na tungkol sa disadvantages ni Siri sa mga Pilipino. Kaya gumawa sila ng Pinoy version ni Siri para mas lalong maintindihan, walang iba kundi si Vangie.

Si Vangie ay ang Pinoy Siri na alam niya ang pasikot sikot ng Maynila, at ng mga sosyalin na nakabili ng iPhone 4S. Pero minsan may mood si Vangie. Mood maging jejemon, mood maging magwala at maging chismosa at whatever. Kung Pinoy, may bisaya version ba si Vangie para sa mga sosyal diyan sa Cebu, Baguio o Davao? Just wondering.

Follow Vangie on Twitter: @AteVangie


No comments:

Post a Comment