Monday, November 28, 2011

Planking

Haha. Sa mga naghihintay, sorry, medyo na-delay ang pagsulat sa blog ko. Ok. Ang susunod na topic natin ay may envolvement sa mga bagay na usong uso na hindi mo malaman kung bakit nila ginagawa yun. At yun ay ang, "planking". Ayon sa aking mga researches, ang "planking" o "lying down game" ay inimbento ni Tom Green noong 1994. Ito daw ay unang sumikat sa Hilagang Inglatera. Nagkaron din ng iba't ibang tawag sa planking katulad ng "à plat ventre" o "on one's belly" sa Pransya, "extreme lying down" naman sa Austrailia atbp. Pero ang laging nasa isip ko ay, "Paano nakarating sa Pilipinas ang planking at bakit o paano ito sumikat sa mga kabataan?" Sa aking karanasan, inintroduce sa kin ito ng Kuya ko ng may Page sa Facebook na "DLSU Planking" (kasalukuyang wala na) na puro mga pictures ng mga estudyante sa La Salle na naka-plank. Hindi ko lang alam kung anu-anong klaseng mga trip ang meron sa mga estudyanteng ito. Bakit nga ba silang nagpa-plank? Ayan ang hindi ko alam. May mga iba't ibang opinyon ang mga tao. Sa aking opinyon, pampa-cool, maki-ride on sa mga sikat na ginagawa nito, or whatsoever. Okay lang naman mag-plank e. Basta siguraduhin niyo na bago kayong mag-plank, siguradong hindi kayo mahuhulog o masasagasaan o mag-cause ng aksidente. Remember, safety first. :) Enjoy Reading! :D

No comments:

Post a Comment