Saturday, November 12, 2011

MTV EMA 2011 (in Belfast)

Ang MTV EMA Awards ay naganap sa Belfast, northern Ireland noong 11/06/2011 at ipinalabas ito sa Pilipinas noong 11/07/2011. 

Ang mga nanalo sa awards na ito ay:
  1. Best Alternative - Thirty Seconds to Mars
  2. Biggest Fans - Lady Gaga (Ung mga "Little Monsters" yata un)
  3. Best Live - Katy Perry
  4. Best Female - Lady Gaga
  5. Best Rock - Linkin Park
  6. Best Male - Justin Bieber 
  7. best Hip Hop - Eminem
  8. Best Push - Bruno Mars
  9. Best New - Bruno Mars
  10. Best Pop - Justin Bieber
  11. Best World Stage - Thirty Seconds to Mars
  12. Best Song - Lady Gaga, "Born This Way"
  13. Worldwide Act - BIGBANG
  14. Best Video - Lady Gaga, "Born This Way"
Napanood ko kahapon ang mismong awards night sa MTV asia at yung mga performances nila kahapon. Nakita ko kahapon, habang nagpapasalamat si Katy Perry na nanalo siya bilang "Best Live", sinabi niya na nag-concert siya sa Belfast (ang city nang ginanapan ng MTV EMA) 10 days ago before the concert kaya baka naging Best Live siya dahil pagkatapos ng concert niya doon binoto na siya ng mga taga-Belfast para maging Best Live dahil sa recent concert niya doon. hmmm....

Paano naman naging Worldwide Act ang Thirty Seconds to Mars e umulan nga nang napakalakas na nag-concert sila dito sa 'Pinas sa MOA e. Parang, awkward. :))

Sorry for all the Beliebers pero Anti-Bieber ako. Kaya nababadtrip lang ako kapag nakikita ko si Justin Bieber na kinukuha ang kanyang trono sa category na un. Tinawanan ko na lang siya ng Grammy's dahil hindi niya nakuha ang award bilang Best New Kundi si Esperanza Spalding. Sana siya na lang ang sumikat, hindi si Bieber.

Wala naman akong reklamo talaga. Sadyang pinagtatawanan ko na lang. :)) Let's just respect the winners. :)

Ok. Tignan naman natin ang flow mismo ng awards night sa Belfast.

By the Way, ang nag-host ng MTV EMA this year ay walang iba kundi si Selena Gomez.

Nang una kong napanood ito sa MTV Asia (gumising pa ko nang 4 am ng madaling araw para doon), nagulat ako dahil ang pinakaunang nag-perform sa napakalaking entablado doon ay ang Coldplay. Asenso! :)) Sa pagkakaalala ko pinerform nila ang kantang "Every Teardrop Is a Waterfall." Common na yan! :)
(photo from mtvema.com)

Then after nilang mag-perform, sumingit na si Selena Gomez sa "Flames of Fire" Ngayon lang nalaman, ang hinhin niyang mag-host. :))

Masyadong mahaba pa ang lalakbayin natin kung ita-try ko pang ibuod ang mga pangyayari doon. Check out na lang at mtvema.com

By the way. Hindi ako sure kung matatawa kayo dito. Pero natawa ako. :)) Rockstar si Selena Gomez sa Video na 'to e. :))

(video from youtube.com)

Nakakatawa lang kasi habang nagme-make up si Selena Gomez sa kanyang dressing room tapos may langaw na iniistorbo siya tapos nakakita siya ng gitara kaya para mapatay ang langaw, hinampas niya ang gitara sa langaw hanggang mawasak ang gitara. Sige. Panoorin niyo na lang. :)

Enjoy reading. :D

No comments:

Post a Comment